Monday, January 2, 2012

Zombies: Attacking Without Warning

Date: May 18, 2010
Genre: Horror (Zombie Apocalypse)

Ang natatandaan ko nalang sa first phase ng panaginip ko ay ganito: Pumunta daw ako sa Bulacan, Bulacan para makipyesta, at ang date daw ay May 18, 2010. Puro din kalabaw sa pyesta nila, pero payat nga lang sila. Nang mag-uumpisa na ang kasiyahan ay nakita ko ang isang kamag-anak ko daw at siya ay naging isang red-skinned cannibal. Madugo ang pagpatay niya sa mga tao gamit ang isang latigong pula din, at ang uri daw ng pagpatay nya sa mga tao ay galing sa Roman god na si Mars.


At ang second phase ng panaginip ko:


Sa bahay ko dito sa Baesa ay parang may isang trahedyang nangyari dahil hindi ko na ito matandaan. Hindi ako sigurado kung isa itong sunog o pagbagsak ng eroplano, pero ako ay sigurado sa mga nakita ko na marami ang namatay. Sinunog ang mga bangkay kasama ang ilang basura sa puno ng apple mango namin. Nakahubad ang mga bangkay at nilamon sila ng apoy - at kung hindi ako nagkakamali ay ito ang umpisa ng sakit o pandemic.



Nakita ko nalang ang mga bangkay sa Eternal Gardens na bumangon, at unti-unting dumami ang mga zombie sa lugar namin. Supposedly, aatin sana kami ni PM sa isang kasal. Nakahanda na nga ang baduy na gray at mahaba kong polo, saka, maluwag din iyon, at paplantsahin yata. Nakita ko bigla ang mga zombie sa harap ng bahay namin at dali-dali kong kinandado ang buong bahay - mga pinto sa sala, kusina, at lahat ng bintana. Nakita ko din si PM na pumasok sa banyo para maligo dahil pupunta pa din kami sa kasal kahit may zombie na. Maya-maya, nakapasok ang mga zombie sa bahay namin! At dahil sa panic ay nagtatakbo ako pataas upang magkulong sa kwarto. Takot na takot ako noon. Makalipas ang ilang sandali ay pumanik na din si PM, at nakapulang blouse siya. Dumami pa lalo ang mga zombie at na-stranded na kami sa kwarto. Gutom na ako noon, at natatandaan ko pa na sinabi ko kay PM na kahit ano ang mangyari ay hindi ko siya kakainin.



Parang ilang oras din ang nakalipas nang mapagpasyahan kong sumilip mula sa bintana ng bahay namin. Nakita ko ang buong pamayanan namin at nakakakilabot ang aking nasaksihan. Madami sa aming mga kapitbahay ang natrap sa kanilang mga bubungan. Lahat ay desperado at humihingi ng tulong. Tiningnan ko naman ang kalye sa likod ng bahay namin - GRABE! Ang daming zombie! Tumatakbo sila at naghahanap ng taong kakainin. Sinilip ko naman ang labahan namin at nakita kong may isang tao na tumatakbo palayo sa mga zombie pero hinabol sya nito. May nakita din ako na isang bata na nakatapak lang sa parang fence, at dahil sa takot ay bumaba siya, at siya ay hinabol at pinatay ng mga zombie. Nakita ko din mula sa bintana ang isang tao na nakagat sa paa ng zombie at dumugo ito ng sobra, at nakita ko din kung paano sya kinain ng mga zombie.



Ilang sandali lang, nakita ko naman sa aming bubungan ang pagdating ng army at dun sila dumaan. Naka full battle gear sila at may helmet, at sila'y mga Amerikano. Hindi ako sigurado kung apat lang ba sila, at akala namin ni PM ay sila na ang magliligtas sa amin, pero bigla din silang nawala.



Sobrang desperado na ako at gutom na gutom pa ako. Masaklap din na wala kaming baril pamatay sa mga zombie. Patuloy ang pagtingin ko sa nangyayari sa labas, at nag-uusap pa yata kami noon ni PM tungkol sa apocalypse. Maya-maya ay sobra akong nagulat - ang pinto na nilock ko ay nabuksan! Kinabahan ako, at dahil marami nang zombie sa ibaba ay nilock ko ito ng mabilis. Ilang segundo lang ang nakalipas ay nabuksan ito ulit, at bigla nalang may pumasok na zombie! Bumilis ang tibok ng puso ko sa takot, at may pinakita siyang picture. Sinabi niya sa amin na siya daw ang may-ari nitong bahay. Lumapit siya sa akin, at bantang ako ay kakagatin niya. Tinitigan ko siya, at sa takotko ay sinuntok ko siya - madaming beses upang mapatay siya. Binuksan ko pa ang aparador upang makakuha ng kahit anong matigas na bagay na ipupukol sa kanya. Namatay din ang zombie, at nakita kong napatay ko siya gamit ang duguan kong mga kamay.

No comments:

Post a Comment