Tuesday, January 3, 2012

-----

Date: June 9, 2010
Genre: Death

Isang magandang hapon ang nasaksihan ko sa Pulilan. Asul ang langit, tahimik ang paligid, at ang hangin ay dahan-dahang tumatama sa aking mukha. Mukhang normal lamang ang mga nangyayari sa aking tabi, nang biglang makita ko ang aking sarili na nakasuot ng puti. Lahat ng tao sa Pulilan ay nakaputi. Tapos, nalaman ko nalang na namatay na daw ang pinsan ng aking mommy, si tita Lina Espiritu. Lahat ay walang reaksyon, at ililibing na siya dahil nakahanda na ang banda at ang karosa ng patay.

No comments:

Post a Comment