Tuesday, January 3, 2012

Freezing Point

Date: June 8, 2010
Genre: Disaster

Naaalala ko pa ang lahat sa panaginip ko na ito pero ng magising ako ay kaunti nalang ang natira dito. Ako daw ay nasa Pulilan, at naglakad daw ako sa harap ng bahay namin. Kulay asul ang buong paligid, at maging ang langit ay kulay asul din. Ilang saglit lang ay umulan ng snow, paunti-unti, hanggang sa natabunan na ako nito. Lumamig bigla ang paligid, at napansin ko na parang nagkakaroon na ng absolute zero!

Tumakbo ako, at hinahabol ako ng pagyeyelo. Lahat ng bagay ay nagyeyelo. Tumalon ako sa tubig, at may nakita akong isang elevator na papunta sa langit. Sinubukan kong pumasok dito, pero naabutan ito ng absolute zero at ito ay nagyelo. Hindi ako nagyelo, at biglang tumawag sa akin ang pangulo ng United States. Sinabi niya na may isang zombie apocalypse ang nangyayari sa Amerika ngayon.

Biglaan akong nateleport sa Washington D.C., at nakita ko ang lupa na katabi ng White House na nagyeyelo. Lahat ng bagay ay balot sa yelo, at naghahanap ako ng zombie pero wala naman. Maya maya pa ay nakita ko ang lupa na nabibitak, at gumuho ang mga yelo. Nakita ko din na para itong ahas na gumagapang papalapit sa White House, pero hindi ko nakitang nasira nito ang White House. Sa huli ay wala akong nagawa, tinitigan ko nalang ang langit na kulay asul habang may blizzard na nagaganap.

No comments:

Post a Comment