Date: June 10, 2010
Genre: Science Fiction
Genre: Science Fiction
Isang tanghali, nanunuod ako ng Wowowee sa TV, at si Mariel Rodriguez pa ang host na nakita ko. Tapos, nakita ko ang sarili ko na lumulutang sa studio ng Eat Bulaga. Nagtataka ako ngayon kung bakit ko ba biglang nilock ang pintuan ng bahay namin.
Tumalon bigla ang panaginip ko sa isang kalye, at parang Rome ang dating ng city. May apat na Caucasian akong kasama na namamasyal, at blonde lahat sila. Nakalimutan ko na ang mga sumunod na pangyayari, at nakita ko nalang bigla na namatay ang isang Caucasian na kasama ko, at siya ay isang babae. Duguan ang kanyang T-shirt at nakahandusay siya sa daan. Tinitigan ko lang siya, at maya maya'y dumating ang mga pari na nakaitim, maging ang pamilya din ng babae. Lahat sila ay nakaitim. Isinakay ang bangkay niya sa itim na karwahe, katulad ng karwahe ni Cinderella na may napakalaking krus sa ituktok.
Makikipaglibing sana ako nang bigla kong makita ang dalawang magkapatid na Jew. Ewan ko kung bakit ako natakot, at tinakbuhan ko silang dalawa. Mabilis din namang sumunod ang dalawa, at nakita kong bulag ang batang lalaki kaya nilito ko sila. Umikot ako ng umikot sa mga kalye ng lungsod ngunit nagulat ako dahil nasusundan ako ng batang lalaki! Malakas pala ang pang-amoy niya. Maya maya pa, sa isang tagong eskinita ay nakaisip ako ng paraan kung paano ba matatakasan ang dalawang Hudyo. Tatakbo na ulit sana ako ng macorner nila ako.
Nasa likod ko ang batang lalaki, at sa harap naman ang babae. Nakaitim na robe ang batang lalaki, at laking gulat ko ng may sinabi siya sa akin: SFEUCOLORURU. Hindi ko alam angibig sabihin nito, at napangiti na lamang ako. Ang ate naman niya ay naka red hood, parang si Little Red Riding Hood. Kinausap ko ngayon ang lalaki, at English pa ang wika ko. Sabi ko, "you're blind, so you should let me go." Wala silang reaksyon, at maya maya pa ay nasabi ko sa kanila, "Look, I'm stuck in here. What's the year right now?" Sumagot ang batang babae, "3000 B.C." Nagulat ako, dahil nabalik ako sa nakaraan.
Humingi ako ng tulong sa kanila kung paano ba ako makakabalik sa present. Itinuro nila sa akin si Mordecai, ngunit ng puntahan namin ang bahay niya ay walang tao. Puro lamang basag na banga ang nakita ko. Ilang minuto lang ang nakalipas ay parang naging 1000 B.C. na, at naging 100 A.D., 500 A.D., 1000 A.D., at 1500. Pinakita ko din sa magkapatid ang cellphone ko, patunay na sa future ako galing, at sila'y namangha dito. Pagkatapos nito'y nagmungkahi ang batang Hudyo na maglakad na lamang. Naglakad kami papuntang Norte, at bawat oras na dumating ay nag-iiba ang taon.
1820 na, at nakita ko na ako ay nasa Colonial Era ng Pilipinas. Nawala na ang magkapatid. Hinanap ko sila, pero ang nakita ko ay si Therese Martinez. Sinabi ko sa kanya na magiging nurse siya sa future, pero ang sabi niya sa akin ay "alam ko iyon." Kasama ko din ang isa niyang kapatid. 1960 na noon, at mistulang 5:00 ng umaga ang oras. Sa tabi ng expressway ay nakita ko si Vilma Santos na may pinupulot na bagay na mahaba at ito'y maputik. Hindi niya kami pinansin, at nagpatuloy lang kami sa paglakad. Sa ilang oras na paglalakad ay inubo ako, at nalunok ko daw ang bubble gum sa panaginip ko kaya ako'y nagising na at natapos ang panaginip na ito.